Liwanag sa Salamin

Kapansin-pansin na kapag tumama ang liwanag sa salamin ay bumabalik sa pinanggalingan.Ang bumbilya, araw at lampara ay ilan sa mga pinagmulan ng liwanag at ito ay sumisimbolo sa ina. Ang liwanag na nanggaling sa mga ito ay ang pagsisikap, pagmamahal at pagtitiis ng ina o nagsilang.

  Ang liwanag pagmamahal ng ina ay tumatama sa salamin. Ang salamin na ito ay sumisimbolo naman sa anak. Ang tumamang liwanag sa salamin ay bumabalik sa pinang- galingan nito. Ibig sabihin, ang pagmamahal na nadarama ng anak ay kailangan ibalik sa kanyang ina.  

  Huwag kalimutan ang ating pinang- galingan. Isipin natin bakit tayo nandito sa mundo? Kanino at paano tayo lumaki? Ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan ay natatangi: ang ating ina. Huwag tayo maguluhan. Kahit na pareho tayo lumaki sa tulong ng ating mga magulang ay may kaibahan pa rin ito.

Lumaki tayo sa mapagkalingang kamay ng ating ina. Inaruga tayo sa pamamagitan ng pagpapakain, pagpapaligo, pagpapalit ng damit,pag -bibigay ng edukasyon, pagdidisiplina at pagbibigay ng init ng pagma- mahal. Sa lakas ng katawan ng ating ama, siya ay nagtatrabaho upang magkaroon ng panustos at maging sandigan ng buong pamilya. Nakita na natin ang pagkakaiba. Sa ating ina, tayo nadidisiplina at nagiging malusog. Kumukuha siya ng tulong sa ating ama upang matustusan an gating mga pangunahing kailangan.

  Binigyan tayo ng ating mga magulang ng pagmamahal kaya’t sa kanilang pagtanda, kailangan nating palitan ang pagmamahal na ibinigay nila noon. Ngunit wika ng iba, kapag nagbigay ka, huwag maghanap ng kapalit. Sa aking palagay, tama rin ito ngunit naiiba naman ang pagmamahal ng isang ina sapagkat ito ay pinakadakila sa lahat at nararapat na palitan.

  Hindi mapapalitan ng anumang na bagay ang pagmamahal ng isang ina. Ang tanging maisusukli dito ay sariling pagkalinga hanggang sa kanyang pagtanda. Sa ngayon, may iba pa ring anak na nagmamahal sa kanilang ina hanggang sapagtanda. Nakalulungkot mang isipin na may ilan ring mga anak na lumaki sa layaw o sadyang maramot. Di ko lubos na maisip ang kahahantungan ng mga anak na ito.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: